ANG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG EDUKASYON AT BILANG PANTURO
Ang wikang filipino sa aspeto ng edukasyon ay mahalaga, sapagkat sa pamamagitan ng wikang filipino naging malawak ang ating kaalaman. Isipin na natin na kung walang wikang filipino ay hindi matututo ang isang mag-aaral sa mga bagay na kailangan niyang malaman hindi rin magkakaintindihan ang bawat isa o estudyante. Alam din naman natin na ang wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad. Ang kahalagahan ng wikang filipino sa edukasyon ay ginagamit ang wikang filipino bilang isang midyum para makasulat makabasa at makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat matutunan at malaman ng isang magaaral.
Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik na wika sa komunikasyon. Maraming tanong sa isipan ng isang tao mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw kilos at desisyon ng sarili. Nag kakaroon ng komunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatikang pansarili. Ang wika ay isa sa mga importanteng kasangkapan na bumubuo ng partikular sa bansa. Maging sa pagsulong ng kulturang edukasyon, agham, sining, at humanidades. Kinakailangan na ang isang wika ay ginagamit at nauunawaan ng sambayanan. Ang wikang Filipino ay instrumento sa pagpapaunlad ng kultura at sining sa isang bayan o bansa Samakatuwid napakahalaga ng wikang Filipino sa larangan ng edukasyon sapagkat ito ang nagbibigay buhay diwa at ang nagpapakilala sa bansa ito ang sumasalamin sa kultura kaugalian paniniwala kaalaman at karunungan ng mga mamayanang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, dahil kung walang wika ay hindi matututo ang isang mag aaral sa mga bagay na kailangan niyang malaman hindi rin magkakaintindihan ang bawat isa.
Pang huli, Marahil patuloy na umuunlad ang bansa, maraming nababago lalo na sa larangan ng wikang pang edukasyon. Patuloy natin mas payabungin ang wikang kinagisnan dahil ito ang nagbubuklod sa atin. Sabi nga ni Manuel L. Quezon, “Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahatan.”