ANG WIKANG FILIPINO SA KASALUKUYANG PANAHON
Nagkaroon ng mga kalakalan at digmaan sa ating bansa laban sa mga dayuhang mananakop ngunit noon paman ay mayroon ng sariling wikang ginagamit ang ating mga ninuno. Baybayin ang pinakalumang wika, paglipas ng panahon ito ay naging Alibata. Pinalitan naman ng mga kastila ang alibata sa latin ng alpabeto noong dumating sila. Paglipas ng mahabang panahon nagkaroon ng opisyal na wika ang ating bansa at ito ay ang wikang tagalog o filipino na naisabatas noong 1987 bilang Wikang pambansa. Malaki ang naging kapakinabangan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sapagkat ito ang nagsisilbing tulay para sa mga filipino sa pagkakaisa at pagsamasama. Ngunit Sa kalukuyang panahon, Ano nangaba ang kalagayan ng ating wikang pambansa ?
Sinasabi ng nakakarami na ang wikang filipino ay unti-unti nang napapalitan ng wikang banyaga gaya ng ingles o iba pa. Pagusbong ng makapabagong teknolohiya na kadalasang ginagamit ng mga filipino ay ang pangmasang media, masasabi rin natin na ito ay nagiging parte narin ng buhay ng tao sa pang araw-araw. Sinasabi na ang makabagong teknolohiya ang isa sa mga salik na nagiging dahilan kung bakit nakaligtaan ng iilang kabataan sa kasalukuyang panahon ang wikang filipino. Marami narin saating mga filipino ang hindi gumagamit saating sariling wika nagiging epekto rin ang tinatawag na “standard” ng lipunan, Sapagkat kung ang isang filipino ay gumgamit ng banyagang wika ito ay tinuring nilang isang matalino at kaangat- angat kung para sa mga filipinong hindi nakakagamit ng wikang banyaga. Ang mga magulang saating bansa ay sa murang edad o pagkasilang palamang ng kanilang mga anak ay sinasanay na nilaang mga ito sa wikang banyaga gaya ng ingles kaya’t naman kung tatanungin ang mga kabataan ngayon patungkol sa wikang filipino ay nahihirapan silang sagutin ang mga ito na.
Gayunpaman, Nakakatiyak ang bawat isa saatin na ang wikang filipino ay hindi parin nawawala sapagkat ang wikang filipino ay isang dinamiko, Nagkaroonman ng mga bagong salita sa kasulukuyang panahon hindi parin maaalis saating mga filipino ang ating sariling wikang pambansa. Ito ay palagian natin ginagamit saating pang araw-araw na pamumuhay sa pakikipag komunikasyon, sa pagsulat at pag babasa. Kasabay ng pagbabago sa ating lipunan dahil sa pagulad ay kasabay rin nagbabago o umuulad ang wikang pambansa at hindi maaalis sa mga filipino ang pagmamahal sa ating sariling wika.