MGA BAGONG SALITA SA PANAHON NG MILENYAL AT GEN Z


  Wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas. Wika ang pinaka-pangunahing ginagamit ng tao sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Sa halos 7,107 na mga pulo ng Pilipinas, iba’t iba man ang kultura, etniko, o lokal na wika, pinag-iisa tayo ng bigkis ng lahi sa pamamagitan ng ating pambansang wika. Kung walang iisang wika, ang wikang Filipino, mararating kaya natin ang kaunlaran ng bansang Pilipinas? 

  Ngayon umusbong ang salita ng mga milenyal at Gen Z kung tawagin. Paano napausbong ang salita ng mga milenyal at Gen Z? Bilang isang millennial o Gen Z makakatulong ka Kaya sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang pambansa ? Sa paanong paraan?​ Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa ating bansang sinilangan at pagkakaisa at pagtutulungan upang mapanatili at mapaunlad ang wikang pambansa. Nais kong ilahad sa inyo ang kung paano mapapakita ang pagpapahalaga sa ating pambansang wika. Palawakin o paunlarin ang unawa tungkol sa wikang Filipino.

  Kailangan may sarili kang diksiyonaryong Filipino. Sa panahon natin ngayon, pwede ka ring magsaliksik at magpaunlad ng paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng internet.Alam kong marami pang mga paraan ng pagpapahalaga ng ating wikang pambansa (ang wikang Filipino). At alam ko rin na kayong nagbabasa nito ay mayroong tinatagong mga natatanging ideya kung paano pahalagahan ang ating wikang pambansa.

Popular Posts