ANG PAGGAMIT SA WIKANG FILIPINO SA PANANAW NG MGA MAGAARAL NG MARITIMO


 Ang paggamit ng wikang Filipino ay napaka halaga sapagkat nakaka tulong itong maintindihan and pananaw ng mga tao sa lipunan, kung paano nila tingnan ang kanilang sarili at ang ibang tao. Kayat dahil dito masasabi kong ang paggamit ng wikang Filipino sa paaralan at pakikipag komunikasyon ay mahalaga kapag gustong mapag-aralan at mas makilala ang lipunang Pilipino. 

  Sa kabilang banda ang aking pananaw sa paggamit sa wikang Filipino bilang mag-aaral ng maritimo ay ito ay may malaking ambag sa aking pagka tuto at pagkakakilanlan bilang isang Pilipino. Sa paaralan, mas natututo ako sapagkat may mga salitang Ingles na mahirap maintindihan ngunit kapag naisalin sa wikanh Filipino ay mas madaling maintindihan. Bagamat mahala ang paggamit ng wikang Filipino , mahalaga rin saakin na maging bihasa sa paggamit ng wikang ingles sapagkat ito ang pandaigdigang wika. Kapag ako ay naging bihasa sa wikang ito, malaking tulong ito sa aking propesyon bilang isang marino sa hinaharap. Magagamit ko ito sa pakikipag komunikasyon sa aking kapwa marino upang mas mapabuti pa ang aming ugnayan at trabaho. 

  Kung kayat bilang isang mag-aaral ng maritimo, ang oagvamit ng wikang Filipino ay nakaka tulong sa pag hubog sa kakayahan at talino  ng isang tao.

Popular Posts