" ANG KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA IBAT-IBANG LARANGAN "
Maaaring mapanood ang video na ito sa papamagitan ng link na nasa ibaba.
Video Link :
https://youtu.be/jQFcvFbnujQ
Napag alaman na sa larangan ng akademiko, nakapaloob dito ang Filipino bilang isang larangan at ang isang guro sa Filipino ay nagtataguyod ng pambansang wika upang itoy mapayabong at mapangalagaan ang pagiging buhay ng ating wika. Pangalawa, ay sa larangan ng medisina kung saan ang paggamit ng wikang Filipino ng mga doktor ay nakaka tulong upang mas madaling maipaunawa ang mga dapat gawin ng isang pasyente upang mapadali ang kanilang paggaling. Pangatlo ay sa larangan ng politika na kung saan nakasaad sa ating saligang batas 1987 na Filipino ang ating gagamitin sa pangunahing ahensiya ng ating bansa, sapagkat ang wika ang pangunahing mag-uugnay sa namamahala at pinamamahalaan . Pang-apat, kailangan na magamit ang wikang Filipino sa larangan ng agham, matematiko at teknolohiya dahil ang paggamit ng Filipino ay nagdudulot ng mahusay, mabilis at mabisang pag-unawa sa mga asignaturang siyentipiko at teknikal. Pang-lima ay sa larangan ng kumersiyo na ang wikang Filipino ay ginagamit sa pakikipagkalakalan sa ating bansa. Pangwakas, ang wikang Filipino na wikang pambansa ay nagsisilbing kaluluwa ng ating bansa at salamin ng ating lipunan, at ito ay susi upang tayo ay magkabuklod-buklod.